Abante Tonite Interactive

Kelly, Christian, Terrence nasarapan sa unang tikim

0 239

Masarap ang first time, gusto mong ulit-ulitin.

Ganito ang pakiramdam ni Terrence Romeo nang matikman ang una niyang kampeonato sa malaking liga. Sa PBA pa niya unang nakuha.

Iginapang ng San Miguel Beer ang 72-71 panalo kontra Magnolia Pambansang Manok sa Game 7 ng PBA Philippine Cup Miyerkoles ng gabi para sikwatin ang panlimang sunod na all-Filipino crown, pang-26 sa kabuuan.

Pero first-time champions sina Romeo, Kelly Nabong at Christian Standhardinger.

“Sa lahat ng bagay, ‘yung first talaga ang pinakamasarap,” bulalas ni Romeo, ang three-time scoring champion na naghintay ng anim na taon bago dumating ang kampeonato.

Si Fil-Am Nabong, mula 2012 nang tapikin bilang 17th pick ng Rain or Shine ay naglaro na sa Meralco, napunta ng GlobalPort, bumalik sa Bolts at tumalon muli sa Batang Pier bago napadpad sa Beermen noong nakaraang taon.

“It’s my first cham- pionship, ever, in life,” ani 6-foot-6 bruiser Nabong. “First career championship from high school. Never went to college, but it’s my first one ever.”

Si Standhardinger, first pick overall ng SMB noong 2017 pero May ng nakaraang taon na dumating sa team sa kasagsagan ng Commissioner’s Cup dahil tinapos muna ang commitment sa Hong Kong Eastern sa ASEAN Basketball League. (Vladi Eduarte)