Abante Tonite Interactive

Kelly Olynyk sinalba ang Miami Heat

By
311

Ninakawan ng Miami Heat ng panalo ang Washington Wizards 113-112 sa larong nagkatalo sa pinakahuling offensive rebound.

Umaaligid sa basket si Miami­ big man Kelly Olynyk sa huling­ possession, nasa kamay ni Dwyane­ Wade ang bola.

Hindi inisip ni Olynyk na sa­sablay si Wade, pero nag-abang pa rin siya. Nang magmintis, naroon ang 7-foot center.

Dinamba ni Olynyk ang offensive board sa sablay na turnaround jumper ni Wade bago isinubo sa rim ang winning basket 0.2 seconds na lang sa laro Huwebes ng gabi.

“As a rebounder, you got to assume a miss, but I thought he was going to make it, for sure,” ani Olynyk matapos kumpletuhin ang ahon ng Heat mula nine points down. “I was surprised, I was that open. I kind of just popped loose, and you’re kind of just standing right there. Right place, right time.”

Binitbit ng 28 points ni Josh Richardson ang Heat.

Pandiin sa larong dinomina ng Miami ang rebound 55-40, at 22-7 sa offensive glass na nagresulta sa 27-10 edge sa second-chance points.

“That’s really where they killed us,” bulalas ni John Wall, namuno sa Wizards sa 26 points at 9 assists bago naki­pagsabwatan kay Bradley Beal para ilista ang last eight points ng hosts.