Abante Tonite Interactive

Kelot binaril sa Baseco chapel

By
2,766

Binaril sa tabi ng isang chapel ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nagresulta sa agaran nitong kamatayan kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Inilarawan ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na nasa edad 30, may taas na hanggang 5’3” at nakasuot lamang ng puting sando at shorts.

Ayon kay Supt. Emerey Abating, commander ng MPD-Station 5, dakong alas-10:45 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng lalaki sa isang eskinita sa tabi ng Our Lady of Fatima Chapel sa Block 9 “Tambakan” sa Baseco Compound.

Sa imbestigasyon ni PO1 Oscar Lech Agpawa, ng MPD-PS 5, nakarinig na lamang ng tatlong pu­tok ng baril ang testigong si Aladin Cabo, 43-anyos, mula sa di-kalayuan at nang alamin kung ano ang pinagmulan nito ay doon na nadiskubre ang bangkay ng biktima na may mga tama ng bala ng baril na kalibre .9mm sa tainga at pigi.

Hindi umano naabutan ni Cabo ang suspek na mabilis nang nakatakas.

Dinala naman ang bangkay ng biktima sa Archangel Funeral Services para sa awtopsiya at safekeeping.