Abante Tonite Interactive

Kelot binaril sa ulo habang nakagapos

292

Isang hinihinalang biktima ng ‘summary execution’ ang binaril sa ulo habang nakagapos na patalikod ang dalawang kamay ng hindi pa nakikilalang gunman sa Quezon City, nitong Miyerkoles nang umaga.

Ang biktima ay inilarawang nasa edad 25-30, 5’6 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi na nakasuot ng itim na t-shirt at short.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng umaga ­(Oktubre 2) nang makarinig ng tatlong putok ng baril ang mga residente ng Araneta Avenue sa Quezon City.
Nang tingnan kung saan nanggaling ang putok ng baril ay doon nila nakita ang nakasubsob at duguang katawan ng biktima sa isang bakanteng lote at may tama ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Hindi kilala sa lugar ang biktima na nakagapos ng cable wire ang dalawa nitong kamay.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima, matukoy ang motibo ng krimen at madakip ang salarin. (Dolly Cabreza)