Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot, dalagita nalambat sa P27M imported shabu

0 82

Arestado ang isang lalaki at ang kasama niyang dalagita matapos tanggapin ang isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P27 milyon sa ikinasang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City nitong Miyerkoles ng gabi.

Hindi na pinangalanan ang menor de edad na dalagitang consignee ng ilegal na droga habang ang kanyang lalaking kasama ay nakilalang si Relaico Ailes, 27-anyos, residente sa Taguig.

Batay sa ulat ng PDEA Region 3, nag-ugat ang operasyon nang dumating ang naturang pakete ng ilegal na droga sa Port of Clark mula sa Estados Unidos noong Mayo 16.

Sa pag-inspeksiyon ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), nadiskubreng may nakatagong mga imported na shabu sa loob ng pakete.

Agad namang nagkasa ng entrapment operation o controlled delivery operation ang mga tauhan ng PDEA kasama ang mga operatiba ng Bureau of Customs at Taguig City Police kung kaya’t nasakote ang dalawang suspek sa Katurian Road, Samana II, Barangay Napindan sa naturang lungsod.

Dinala ang mga suspek sa tanggapan ng PDEA sa Pampanga at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.