Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot ginahasa pamangkin ng live-in partner

0 612

Pinakulong ng isang babae ang kanyang live-in partner matapos niya itong maaktuhang hinahalay ang 14-anyos niyang pamangkin sa Pasay City, Miyerkules ng hapon.

Nahaharap sa kasong rape ang suspek na si Diomol Rezano, 26 anyos, residente ng No. 2718 Tramo St., Pasay City.

Sa salaysay ng biktimang si ‘Edith’, hindi tunay na pangalan, nakahiga siya sa kanilang silid nang pumasok ang suspek bandang ala-1:30 ng tanghali.

Habang hinuhubaran ang biktima, pinagbantaan umano ng suspek ang biktima na papatayin kapag sumigaw ito.

Gayunman, tumili ito na narinig ng live-in partner ng suspek na si Ma. Nonelyn Hawod, 21-anyos, na nasa tabing bahay lang kaya napasugod ito sa lugar ng biktima at nabungaran ang panghahalay ng suspek sa kanyang pamangkin.

Si Hawod din umano ang nag-udyok sa ina ng biktima na ipahuli at kasuhan ang suspek. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.