Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot inambus sa harap ng 4-anyos

0 266

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang lalaki at kanyang kasama habang nasa loob ng sasakyan sa Bacolod City kahapon ng umaga.

Nataon na may kasama silang apat na taong gulang na babae na hindi nasugatan o tinamaan sa ambus.

Sa report, nakaupo sa likod ng kotse ang bata na anak ng isa sa mga biktima.

Nasa unahan naman ang dalawang biktima na hindi pa pinapangalanan habang nasusulat ito.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. Wala ring nakakuha ng kanilang pagkakakilanlan.

Ang insidente ay iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad, habang wala pang pahayag ang mga kaanak ng mga biktima.
Inaalam na rin ang dahilan ng pananambang. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.