Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot inayawan sa sex, sinunog bahay ng esmi

0 168

Dahil hindi napagbigyan sa pakikipagtalik ay siniliban ng isang lalaki sa Thailand ang bahay ng kanyang asawa.

Kinilala ang suspek na si Narongchan Paksarom, 33, na 20 kilometro ang biniyahe para makarating sa bahay ng kanyang misis. Pagdating dito ay saka sinunog ang naturang tahanan sa Thailand.

SM food to go Banner Ad

Ayon naman sa biktima na si Ratchaneekorn Yeeram, nilayasan niya ang mister kasama ang kanilang mga anak matapos umano itong magbitaw ng masakit na salita.

Hindi rin naniniwala si Yeeram na dahil lang sa pagtanggi niya sa pakikipagtalik kaya nagawa ng suspek ang panununog dahil posibleng nasa impluwensya umano ito ng iligal na droga.

Sa urine test na isinagawa kay Paksarom, nakita na nagpositibo ito sa paggamit ng pinagbabawal na gamot. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.