Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot kinalawit sa P122M shabu

0 340

Umaabot sa P121.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska umano ng Philippine Drug Enforcement Agency mula sa isang drug suspect sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City, Martes ng hapon.

Ang naarestong suspek na si Moises Joshua Esguerra, 23-anyos, residente ng Barangay Talon Dos, Las Piñas, ay nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act sa piskalya.

Batay sa ulat ng PDEA, dakong alas-3:00, kahapon ng hapon, nang maaresto ng mga awtoridad ang suspek sa isang buy-bust sa tahanan ng huli.

Una rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa umano’y iligal na aktibidad ni Esguerra.

Agad namang dinakma ng mga awtoridad ang suspek nang makabili ang isang poseur buyer ng isang kilo ng shabu na nagkakahalagang P6.8 milyon.

Bukod dito, nakasamsam din umano ang mga awtoridad sa suspek ng 17 kilo pa ng shabu na nagkakahalaga naman ng P115 milyon.

Narekober din ang driver’s license, isang bundle ng boodle money na may isang totoong P1,000 sa ibabaw, at isang Samsung cellphone. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.