Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot kinalawit sa P5.2M shabu

0 79

Arestado ang isang sinasabing big-time tulak matapos mahulihan ng mahigit limang milyong pisong halaga ng pinaghihinalaang shabu sa buy-bust operation sa Ilocos Norte noong Huwebes.

Kinilala ng Ilocos Norte Provincial Police Office (INPPO) ang suspek na si Ronald G. Melchor, 39, tubong Baguio City, residente ng nasabing lalawigan.

Sa inisyal na report, ayon sa INPPO, isa umanong ‘asset’ ng pulis ang nagnguso sa suspek na magdadala ito ng iligal na droga sa Barangay Balacad.

Dito, nagsagawa ng operasyon ang INPPO laban kay Melchor na kabilang umano sa mga ‘high value individual’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaresto ang suspek matapos iabot ang droga sa undercover agent na pulis.

Nakuha umano mula kay Melchor ang 19 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu, may bigat na 522 gramo, at nagkakahalagang P5.2 milyon.

Nakakulong na ang suspek sa INPPO detention cell at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.