Abante Tonite Interactive

Kelot kritikal sa pito

By
7

Isang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagsasaksakin ng isa sa pitong kaaway umano ng kanyang nakababatang kapatid sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-9:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Santiago Street, Barangay Navotas West ng nasabing lungsod.

Natutulog umano ang biktimang si Jerome Lo­reto, 22-anyos, binata, mangingisda ng Davila Street ng nasabing lugar nang gisingin siya ng kanyang ina at sabihing may naghahanap sa kanyang kapatid.

Agad na bumangon ang biktima at hinarap ang grupo ng mga suspek at tinanong kung ano ang kailangan sa kanyang kapatid, ngunit sa halip na sagutin ay pabalang na sinabi ng isa sa mga suspek na kaaway umano nila ang kapatid ng biktima at naroon sila para gantihan.

Nagkataasan ng boses ang mga ito hanggang sa magkapalitan ng maaanghang na salita.

Isa sa mga suspek ang bigla na lamang na bumunot ng patalim saka pinagsasaksak ang biktima sa tiyan at dibdib at humandusay.