Abante Tonite Interactive

Kelot na nanlibre sa bar pero walang pambayad inaresto

By
0 183

Kulungan ang kinahantungan ng isang lalaking nagpakagalante ngunit wala palang pambayad matapos magpainom ng alak at umorder pa ng pulutan para sa mga staff at kostumer ng KTV sa Marikina City.

Nahaharap sa kasong estafa ang suspek na si Joey Morante, 26, ng nasabing siyudad at nakakulong sa Marikina detention cell.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:00 Sabado nang gabi sa loob ng Aiyanna KTV Bar sa Ordoñez St.

Abante Hiring – IT dep

Brgy. Concepcion Uno ng parehong siyudad. Mag-isa umanong pumasok sa loob ng bar si Morante at umorder ng alak, sumunod naman dito ang ilang lalaki na sumama sa kanyang table at sabay-sabay na nag-inuman.

Ayon kay Deseree Gimeno, 40, ope­rator manager ng nasabing bar, nang makarami na ng inom ang suspek ay naging galante na ito at nagpainom ng beer sa mga katabing mesa at maging sa kanyang mga staff.

Hanggang umabot umano sa P35,000 ang bill at lasing na ang suspek ay wala na itong mailabas na pambayad kaya humingi na ng tulong ang mga staff sa pulisya para arestuhin ang suspek.