Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot na tulog tinarakan ng senglot

0 26

Hindi na nagising ang isang lalaking nagpapahinga at natutulog lamang sa isang bakanteng lugar matapos siyang saksakin sa dibdib ng isang lalaking lasing sa Sta. Rosa City, Laguna, Miyerkoles ng hapon.

Isang malalim na tama ng itak ang agad ikinamatay ng biktimang kinilalang si Aries Fabricante, residente ng Brgy. Pulong, Sta. Cruz.

Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Rosa Police, nakahiga ang biktima at natutulog sa isang bangkong kahoy nang dumating ang lasing na suspek na kinilalang si Ruelito Pastolero.

Walang sabi-sabing sinaksak ni Pastolero sa dibdib si Fabricante at saka naglakad lamang papauwi sa kanilang bahay na tila walang nangyari.

Agad namang isinugod ng mga kaanak sa Sta. Rosa Medical and Emergency Hospital ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong murder. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.