Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot nag-sorry sa kaaway, sinakyod

0 43

Patay ang isang truck driver nang pagsasaksakin ng isang lalaki matapos hindi nito tanggapin ang paghingi ng paumanhin ng nauna, kamakalawa ng gabi sa may Parola Compound, Tondo, Maynila.

Nasawi habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Nicanor Mercadal, 40-anyos, truck driver at taga-No. 227, Area B, Gate 10, Parola Compound na nasawi dahil sa tama ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang pinagha­hanap naman ang suspek na nakilalang si Ricardo Madriaga alyas Ricky.

Ayon sa imbestigasyon ni P/SSg. John Paul Rojo ng Manila Police District, nakiki­pag-inuman ang suspek kina Danilo Cayona at Racquel Venzon sa Area B nang dumating ang biktima.

Tinangka umano ni Mercadal na humingi ng paumanhin kay Madriaga dahil sa matanda nilang alitan.

Ngunit hindi umano tinanggap ng suspek ang paghingi ng paumanhin ng biktima hanggang sa magtalo sila. Bumunot ng patalim ang suspek at sunod-sunod na inun­dayan ng saksak ang biktima.

Naisugod si Mercadal pero hindi na naisalba sa pagamutan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.