Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot nakuryente

0 101

Hinihinalang nakuryente ang isang lalaki na natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Olaes, Gen. Mariano Alvarez, Cavite noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Rowel Ganadem, 40-anyos.

Sa salaysay ni Leo Obrebega, stepfather ng biktima, kay Sergeant Dann Czar Rosales ng GMA Police Station, naabutan niya si Ganadem na wala nang buhay na hinihinalang nakuryente dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon.

SM food to go Banner Ad

“Walang ibang saksi, nakita lamang ni Obrebega na nakahiga na may hawak ng kable ng kuryente at ilaw,” ayon kay Rosales.

Magsasagawa ng awtopsiya sa biktima upang alamin ang sanhi ng kanyang kamatayan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.