Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot nalibing sa hukay ng subdibisyon

0 214

Nailibing nang buhay ang isang lalaki matapos matabunan ng gumuhong hukay na may lalim na 9-feet habang iniimbestigahan pa ng Caloocan Police ang pagkakaroon ng hukay sa loob ng isang subdivision sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Naganap ang insidente bandang alas-11:00 Martes ng umaga sa loob ng Vista Verde Subdivision nang matabunan ang isang hindi pa nakikilalang biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Fire Senior Insp. James Rosaroso, ng Bureau of Fire Protection-Caloocan chief of operations, dalawang kasama ng biktima ang nakatakas at posibleng pinabayaan ang biktima na natabunan ng may lapad na 3-metro at lalim na 9-feet kung saan nahirapan na ang rescuers na maisalba ito.

Iniimbestigahan ng Caloocan City Police ang pagkakaroon ng hukay sa loob ng subdibisyon na posibleng istratehiya ng mga magnanakaw para makapasok sa mga bahay-bahay ng nasabing subdivision. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.