Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot nalunod sa EDSA

0 62

Natagpuan ang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa naipong tubig sa center island ng EDSA sa Main Avenue, Cubao, Quezon City kahapon ng tanghali.

Sa ulat ng Cubao Police Station 7 ng Quezon City Police District, bandang alas-12:14 ng tanghali nitong Sabado nang matagpuan ang bangkay ng lalaki sa center island sa EDSA corner Main Avenue southbound.

Ayon kay Police Staff Sergeant Alexander Eslava, isang Dann Lynolle Augon ng Philippine Coast Guard ang nakakita sa bangkay at agad na itinawag ito sa himpilan ng pulisya.

Nag-iimbestiga pa ang mga pulis upang mabatid kung ano ang ikinamatay ng lalaki at para makilala ito. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.