Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot namingwit ng panty sa mall, kinalawit

0 89

Inaresto ang isang lalaki nang bingwitin nito ang 35 piraso ng mamahaling panty at wallet sa isang mall sa Quezon City, Huwebes ng gabi.

Ang suspek ay nakilalang si Anthony Richard Mendoza alias “Tune,” binata, 50, taga-Quiapo, Manila.

Sa report ng Project Police Station 15 ng Quezon City Police District, alas-8:00 ng gabi (June 30), nang maganap ang insidente sa loob ng Charles & Keith and Lasenza, sa Level 2 ng Trinoma Mall, Quezon City.

SM food to go Banner Ad

Batay sa reklamo ni Beverly May Ponce Petilla, store supervisor, naispatan ang suspek na nagsilid sa dala niyang bag ng 3 pitakang “Charles & Keith” ang tatak at nagkakahalagang P1,999 kada isa, at 35 piraso ng women’s underwear na “Lasenza” na nagkakahalaga lahat ng P22,685.

Pagkasilid sa bag ng nasabing mga items ay mabilis na lumabas ang suspek pero naharang ng mga awtoridad.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RPC, Art.308, Theft (shoplifting) laban sa suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.