Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot nangisda gamit live wire, nangisay

0 152

Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos nitong makuryente sa Asingan, Pangasinan matapos mangisda gamit ang live wire.

Kinilala ang biktima na si Jaylord Teodoro Dela Cruz, 21-taong-gulang.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakipagkita si Dela Cruz sa kanyang mga kaibigan sa ilog sa Sitio Wa-ig, Barangay San Vicente West sa Asingan.

Napag-alaman na nanghuli sila ng mga isda. Pero ang ginagamit nila na panghuli ay live wire na konektado sa bahay ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Kuwento ni Rillan Aguilama, bigla na lang nanigas ang isa sa mga kaibigan nilang menor de edad.

Kaya’t agad itong pinuntahan ni Dela Cruz at niyakap ang nakukuryenteng kaibigan. Ngunit, pagyakap niya rito ay nakuryente rin siya at tumilapon pa sa lakas ng kuryente.

Kapwa binigyan ng first aid at dinala sa ospital ang dalawang biktima. Nasawi si Dela Cruz, habang nabuhay ang kaibigan na sinubukan niyang iligtas.

Naulila ni Dela Cruz ang isang anak at ang kanyang buntis na asawa. (Kiko Cueto/Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.