Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot nasapul ng PNR, dedbol

0 271

Nasawi ang isang 36 anyos na lalaki matapos mabangga ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) kahapon ng madaling-araw sa may Hermosa St. Tondo, Maynila.

Namatay noon din si Walter Orbase na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Police Station 7, alas-4:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.

Nabatid na nakita ang biktima na tumawid sa riles ng PNR sa bahagi ng Hermosa Street.

Gayunman, may paparating rin na tren sa northbound ng riles, hanggang sa mahagip ito at masagasaan .

Patuloy ang imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa insidente. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.