Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot ninakawan 2 pulis, todas sa shootout

0 51

Dedbol ang isang lalaking suspek na sinasabing nagnakaw ng baril sa dalawang pulis matapos na makipagpalitan umano ng putok sa awtoridad na magsisilbi sana ng warrant of arrest laban sa kanya, kamakalawa sa Midsayap, North Cotabato.

Samantala, sugatan ang isang pulis at dalawang sundalo sa naganap na palitan ng putok pero ligtas ang lagay nila.

Kinilala ng Midsayap MPS ang napatay na si Salvador Viloria Jr., 24, walang trabaho, at pangunahing suspek sa umano’y armed robbery kung saan biktima ang mga pulis.

Nabatid na kaibigan ng mga biktimang pulis, na hindi pinangalanan, ang suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napag-alamang nakita ng mga kapitbahay sa Purok 6, Barangay Bual Sur si Viloria na may bitbit na dalawang baril at mga magazine nito habang patungo sa bahay na nakatirik sa gitna ng bukid.

Hindi pulis o sundalo ang suspek kaya nagduda ang mga kalugar niya at nagsumbong sa awtoridad.

Alas-11:00 kamakalawa ng umaga tumulak ang pulisya at sundalo sa lugar upang isilbi ang arrest warrant laban sa suspek subalit imbes na sumuko ay nakipagpalitan umano ang huli ng putok sa nauna dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.