Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot niyakap muna ng dayo saka dinedo

0 117

YAKAP ng kamatayan. Ito ang nangyari sa isang lalaki matapos siyang yakapin at pagsasaksakin hanggang sa mamatay sa Barangay Parola, Tagudin, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng Tagudin Police Station (TPS) ang biktima na si Arsenio Ader Jr., ng nasabing barangay.

Sa report ng TPS, bago ang insidente, nakikipag-inuman si Ader Jr. sa mga kaibigan nang dumating ang suspek na si Fernando Realin, 48, na umano’y dayo sa barangay.

Ayon sa pulisya, base na rin sa testimonya ng mga nakasaksi, bigla umanong niyakap ng suspek ang biktima at sabay pinagsasaksak sa likod at sa dibdib.

Agad na dinala ang biktima sa ospital ngunit nasawi rin.

Sa imbestigasyon, hindi kasama sa inuman ang suspek na bigla na lang lumapit sa biktima.

Samantala, hindi naman malaman ng mga kamag-anak ng biktima kung ano ang dahilan para saksakin ng suspek si Ader.

Inaalam ngayon ng pulisya kung bakit nagawa ng nakakulong nang suspek na patayin ang biktina. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.