Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot pinugutan, tinapon sa kalsada

0 177

Isang bangkay, na putol ang ulo at isinilid sa sako, ang itinapon lang sa gilid ng kalsada sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Col. Manuel Mina, hepe ng Caloocan City PNP, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na bukod sa walang ulo ay putol din ang kanang hinlalaki.

Sa panayam naman kay P/Corporal Romnick Fabroa, isang tawag ang natanggap ng Sub Station ng Caloocan City police dakong alas-8:00 ng umaga hinggil sa isang sako na masangsang ang amoy at itinapon sa tabing kalsada sa kahabaan ng Gumamela St. kanto ng Cadena de Amor St., Barangay 175 ng lungsod na ito.

Agad rumesponde ang pulisya sa lugar at nang buksan ang sako ay tumambad sa kanila ang isang lalaki na pinugutan.
Base sa pagsasalarawan sa biktima, ito ay tinatayang nasa 30-anyos, medium built ang pangangatawan at may tribal na tato sa kanang balikat.

May mga bakas din ang katawan ng biktima na pinahirapan muna ito bago pinatay.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.