Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot sapol ng coronavirus, lumiit ‘manoy’

0 41

Isang lalaki sa United States ang nagrereklamo dahil lumiit umano nang 1.5 pulgada ang kanyang ari matapos niyang mahawa sa COVID-19.

Ayon sa lalaki, nagkaroon siya ng malalang sintomas ng coronavirus noong nakaraang taon, at nang ma-discharge siya mula sa ospital ay nakaranas naman siya ng kakaibang kaso ng erectile disfunction (ED).

Sinubukan pa umano ng mga doktor na lunasan ang kanyang problema ngunit sa kanyang pagkadismaya ay nalaman niyang permanente na ang kanyang kondisyon dahil sa natamong pinsala sa vascular ng kanyang erectile tissue.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I’m a heterosexual man in my thirties. In July of last year, I contracted Covid and was very sick. When I got out of the hospital, I had some ED issues. Those gradually got better with some medical attention, but I seem to be left with a lasting problem. My penis has shrunk. Before I got sick, I was above average, not huge, but definitely bigger than normal. Now I’ve lost about an inch-and-a-half and become decidedly less than average. It’s apparently due to vascular damage, and my doctors seem to think it’s likely permanent,” pahayag ng lalaki sa isang podcast.

Dagdag pa, ang kanyang problema ay nagkaroon ng malalim na epekto sa kanyang tiwala sa sarili pagdating sa pakikipagtalik. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.