Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot sinakal ng face mask hanggang mamatay

0 51

Binugbog at sinakal ng face mask hanggang sa mapatay ang isang hindi pa nakilalang la­laki bago inabandona ng mga salarin sa Brgy. Payatas, Quezon City nitong Martes ng mada­ling-araw.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 30-35, may taas na 5’7”, medium built, nakasuot ng gray sublimation t-shirt, black short pants at may mga tattoo na ‘Kimberly’ sa dibdib, at ‘AKP’ sa tiyan at kaliwang binti.

Sa report ng CIDU-QCPD, bandang alas-2:00, kahapon ng madaling-araw, nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa Payatas Road, Group 5, Brgy. Payatas.

Batay sa imbestigasyon ni Pat. Nestor Ariz Jr. ng CIDU, nagpapatrolya ang mga tanod na sina Rey­nold Mendiola at Michael Libdon at pito pa sakay ng barangay mobile patrol nang mamataan umano ang biktima na nakabulagta sa bangketa sa nasabing lugar.

Sa una, inakala ng mga tanod na lasing lamang ang lalaki at nakatulog sa bangketa subalit nang kanilang lapitan ay nakita nila ang nakatali na tela sa leeg na may nakapaloob na screwdriver habang nakatali pa ang dalawang kamay nito.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito ay agad na itinawag ng mga tanod sa pulisya ang insidente para sa masusing im­bestigasyon.

Sa ginawang pagsisiyasat ng SOCO, nagtamo ng mga saksak sa dibdib, likod ng ulo at katawan ang biktima at may indikasyon pa na sinakal din ito na dahilan ng kamatayan nito.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng pagsisiyasat ng mga kapulisan at tiningnan na rin nila kung may mga CCTV sa paligid kung saan natuklasan ang bangkay na posibleng maging daan upang makilala ang mga salarin.

Nagtungo rin ang mga awtoridad sa Brgy. Payatas upang imbitahan ang mga testigo at kunan ng pahayag subalit hindi umano pumayag ang kanilang ex-o na nakilalang si Alejo Valiente. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.