Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot tinaga ng kainuman

0 55

Pinagtataga ang isang lalaki hanggang sa mapatay ng kanyang naging kainuman sa Makato, Aklan.

Sa report, nangyari ito sa Ba­rangay Tibiawan noong Biyernes ng gabi.

Ang biktima ay kinilala na si Sue Taladro, 36 taong gulang.

Ayon sa pulis, nag-iinuman ang biktima at hindi natukoy na suspek sa bahay ng lolo ng huli.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang maubos ang alak, nagde­sisyon ang dalawa na pumunta sa bahay ng biktima para doon ituloy ang inuman. Pero habang papunta sa bahay ay nagtalo umano ang dalawa na nauwi sa pananaga.

Tinaga ang biktima sa leeg, dibdib, at tiyan na ikinamatay niya agad.

Hindi naman nakasaad sa re­port kung bitbit na ba ng suspek ang patalim o kinuha pa sa bahay.

Sumuko ang suspek sa baran­gay chairman sa kanilang lugar at agad siyang itinurn over sa pulis. Nakuha naman ng awtoridad ang itak na ginamit sa pananaga. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.