Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot tinaga ng senglot na tropa

0 180

Namatay ang isang 57-anyos na lalaki matapos siyang pagtatagain ng kanyang matalik na kaibigan habang nag-iinuman sila sa Barangay Guesang, Mangaldan, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Cendana, ng Barangay Guesang ng nasabing bayan.

Samantala, hindi muna kinilala ang suspek dahil sa isinasagawang follow-up investigation ng Mangaldan Police Station (MPS). Sinasabing matalik na kaibigan ng biktima ang salarin.

Ayon kay MPS chief-of-police P/Lt. Col. Vicente Castro Jr., nag-iinuman ang biktima at suspek nang bigla umanong magtalo ang dalawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naawat naman ang dalawang magkaibigan at pinauwi na sa kanilang mga bahay. Ngunit lingid sa kaalaman ni Cendana, kumuha ng espada ang suspek at sinundan ang nauna saka siya pinagtataga sa ulo at katawan sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa kapatid ng biktima, nakita niya ang pangyayari pero hindi raw siya makalapit sa kapatid dahil sa takot sa suspek.

Arestado ang suspek at nakuha ang espada na ginamit sa pagpatay sa kaibigan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.