Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot tinuluyan ng lover ni ex-GF

0 85

Nasawi ang isang 42-anyos na lalaki nang pagsasaksakin at hampasin ng tipak ng bato sa ulo ng live-in partner ng kanyang dating kinakasama nang magpang-abot sa bahay ng babae sa Dasmariñas City Cavite, Linggo ng gabi.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Mateo Rivera habang arestado naman ang suspek na si Lito Cabanag, 39.

Sa ulat ni P/SSg. Gilbert Santos ng Dasmariñas City Police, dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente kung saan lasing na dumalaw si Rivera sa bahay ng kanyang dating live-in partner na si Maricar Anoc sa Brgy. San Miguel 1, Dasmariñas City.

SM food to go Banner Ad

Pero pagdating ng biktima sa lugar ay nadatnan niya ang suspek na ngayon ay bagong kinakasama ni Anoc kaya sinita siya, dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa kumuha ng kutsilyo si Cabanag at pinagsasaksak ang biktima hanggang sa ito ay natumba.

Hindi pa nakuntento ang suspek, kumuha pa ito ng malaking tipak ng bato at hinampas sa ulo ng biktima na nagresulta sa agarang kamatayan ng huli.

Tinangkang tumakas ni Cabanag subalit naabutan siya ng mga rumespondeng barangay tanod. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.