Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot tsugi sa tumalsik na gulong

0 277

Matindi ang sinapit ng isang 26-anyos na lalaki na tinamaan ng natanggal na mga gulong ng tractor head habang nasa gilid ng kalsada sa Dasmariñas City, Cavite, Huwebes.

Namatay habang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktima na si Ariel De Guzman ng Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas City.

SM food to go Banner Ad

Kinilala naman ang driver ng isang International Tractor Head na may hinihilang trailer na si Garry Ferrer, 38.

Sa ulat ni P/SSg. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Governor’s Drive, sakop ng nasabing barangay.

Minamaneho ni Ferrer ang mahabang sasakyan patungo sa direksiyon ng Trece Martires City proper nang pagsapit doon ay natanggal ang dalawang gulong sa rear side ng tractor head at tumama kay De Guzman na noon ay nakaistambay lamang sa nasabing lugar. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.