Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelot utas sa loob ng hotel

0 119

Wala nang buhay nang matagpuan ang 55-anyos na lalaki na walang saplot sa katawan at nakaupo sa shower room sa loob ng isang lodge sa Sta. Mesa, Maynila.

Hindi na rin nakita ang kasamang lalaki ng biktimang si Allan Saw. Ayon sa pulisya, alas-12:25 Sabado ng madaling-araw nang makita ng mga room boy ang walang buhay na katawan ng biktima sa isang unit ng Queensland Hotel.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:46 Biyernes ng umaga nang mag check in ito kasama ang lalaki. Kasunod nito, alas-12:20 Sabado ng madaling-araw nang iutos ni Margie Halina, officer in charge ng hotel sa isang room attendant na puntahan ang unit ng biktima para magpa-checkout.

Kinatok ng nasabing attendant ang silid ng biktima at nang walang nagbubukas ng pinto gumamit ng duplicate na susi kasama ang security guard. Dito na tumambad sa kanila ang walang buhay na biktima.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima na wala naman nakitang sugat sa katawan. Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.