Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelsey kinaiinggitan ng mga Pinay model

0 39

NI: Vinia Vivar

Hindi naging madali para sa Filipino-American model na si Kelsey Meritt ang marating ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Bago dumating ang kanyang big break in 2018 bilang the first ever Filipina to walk in a Victoria Secret Fashion Show, kung saan-saang maliliit na commercial muna siya napasali rito sa Pilipinas.

Tubong Pampanga si Kelsey. Ang kanyang ina ay Filipina at ang ama naman niya ay American. She graduated from Ateneo de Manila University at ayon nga sa kanya sa isang panayam, para masuportahan ang kanyang pag-aaral ay nagmomodelo na siya.

“I’m from a small town in the Philippines called Pampanga. I would go to Manila with my friends; go to open castings for fashion shows,” saad ni Kelsey sa isang video interview.

Nang makatapos ng pag-aaral ay pumunta siya ng New York at doon na nagsimula ang bagong kabanata ng kanyang buhay.

“People always think I’m from America, but I’ve never been to America before I was 18. It’s taken a lot of time to get to where I am, and I’m proud of that journey,” pahayag pa ng Fil-Am model who’s currently based in New York City.

Ngayon ay sikat na sikat na si Kelsey at the age of 24. Kabi-kabila ang kanyang endorsements and modelling offers, latest of which is being the newest face of Bulgari Parfums.

Dahil sa tinatamasang tagumpay, kinaiinggitan si Kelsey ng mga Pinay model. Nangangarap din ang mga ito na marating ang kanyang kinalalagyan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.