Abante Tonite Interactive

Kelsey Merritt nakipag-bonding kay Nina Dobrev

By
3,677

Nasorpesa ang mga tagahanga ng Filipino-American fashion model na si Kelsey Merritt dahil nakita sa Instagram account niya na kasama ang sikat na Hollywood actress sa kanyang bakasyon sa Costa Rica. Ka-bonding niya si Nina Dobrev ng ‘The Vampire Diaries’.

“OMG I see Nina Dobrev,” reaksyon ng isang fan sa group sexy photo post ni Kelsey.

“She’s hanging out with Nina Dobrev. I want to cry,” isa pang reaksyon.

Pinag-usapan si Kelsey sa Pilipinas dahil nagtrabaho ito sa Victoria Sport ng Victoria’s Secret.

Naging Preview girl din si Kelsey na kung saan ay nakasabay rin niya sa pictorial si Janine Gutierrez sa Palawan. Atenista rin siya.