Abante Tonite Interactive

Kelsey naghahasik ng elya

0 575

Humihingi ng suporta si Kelsey Merritt sa kanyang milyong followers sa social media para sa appearance­ niya sa Sports Illustrated magazine.

Hindi nagtatapos ang paghahasik ni Kelsey ng elya sa nasabing international adult sports magazine dahil may title na kailangang makuha ng mga nag-pin up na dito.

Sinabi ni Kelsey na iboto siya para makuha niya ang title na IS Swimsuit Rookie of the Year.

Abante Hiring – IT dep

Kung ibabase sa bagsik ng kaseksihan ni Kelsey sa naturang magazine, siya na ang “Rookie of The Year”.

Kitang-kita sa photo ang walang kapantay na kaseksihan nito na mahihirapan ang sinuman na sabayan ang dating nito.

Mala-anghel na magsasabog ng kaligayahan sa mga kalalakihan ang hitsura ng kaseksihan ni Kelsey.

Bukod sa magandang hubog ng kanyang pigura, makikita sa mga ngiti ng Pinay model ang kakaibang kapilyahan na nakakapagpitlag sa natutulog na anaconda ng mga anak ni Adan.

Well, kahit na nga umaapaw sa kuwalidad ang kaseksihan nito, malalaman pa rin mula sa kanyang mga supporter kung gaano kasikat sa buong mundo ang pambato ng ‘Pinas.

Kaya naman, bumoto na para kay Kelsey. (Rey
Pu­maloy)