Abante Tonite Interactive

Kelsey pang-world class ang kaseksihan

By
0 591

Patuloy ang pananalasa ng kaseksihan ni Kelsey Merrit hindi lang sa fashion arena kundi pati na rin sa socmed.
Muling nagpatikim sa kanyang supporters ang half breed Pinay ng kanyang world class sex appeal.

Hindi mo nga aakalaing isang Pilipino si Kelsey dahil matapos ang pagrampa niya sa nakaraang Victoria’s Secret (the first and only Filipina who ramped in said show), na-adapt na niya ang pagiging isang “V Angel.”

Kung dati ay mapapansin pa ang innocence sa kanyang aura, ngayon ay mistulang palaban na sa tawag ng kalandian at laman si Kelsey.

Abante Hiring – IT dep

Umaagos sa sagana ang kanyang kaseksihan.

Sa pagkaka-emote na lang nito sa kanyang photo, nang-aakit na ang dalaga na parang punong-puno na ito sa kaalaman pagdating sa pagpapaligaya.

Nag-iba na rin ang porma ng kanyang katawan.

Wala na ang baby fats na nakabalot sa mura n’yang body.

Mistulang isa na siyang mandirigma na handang sakupin ang lahat ng kaelyahan ng mga kalalakihan.

Mahihirapan ang sinumang lalake na masungkit si Kelsey na ngayo’y ­accumulated na ang kanyang worth.