Abante Tonite Interactive

Kelsey walang takot magpasilip ng puwet

By
0 198

Hindi na talaga maawat sa pag­huhubad ang half Pinay na si Kelsey Merrit.

Parang kailan lang may mga damit pa ito sa ‘Pinas, pero nang rumampa ito sa Victoria’s Secret Fashion Show nagbago na ang pananaw ng dalaga.

Naghahasik sa pagpapaka-daring si Kelsey. ‘Di na nito alintana kung s’ya man ay nabobosohan o pinagnanasaan.

Kung dati crush ng sambayanang Pinoy ang sweet image at looks ni Kelsey, ngayon isa na siyang malaking sentro ng kaelyahan sa buong mundo.

Parang malupit na hagupit ng bagyo ang kaseksihan ni Kelsey.

Ramdam sa social media ang tapang nitong ipakita ang kanyang butt.

Nakakapigil hininga ang mga maiisip mong susunod na ipapakita ni Kelsey, dahil sa lakas ng loob nito at confidence sa kanyang kagandahan, kahit ang magtodo-hubad hindi sya mangingiming gawin.

Well, kailangan lang makipagsabayan ni Kelsey sa mga Dyosa ng rampa sa abroad para ‘di sya mapag-iwanan.

Pero ang maganda kay Kelsey, ipinagmamalaki niya ang kanyang pinagmulan, ang dugong Pinoy.

Sige, Kelsey iparamdam at ipamalas mo sa buong mundo kung gaano kainit ang dugo ng mga Pinoy.