Abante Tonite Interactive

Kelvin Miranda nakipagharutan online

839

Halos three years pa lang sa showbiz circle ang 18-year-old teen actor na si Kelvin Miranda, pero marami na siyang nagawang movie at ­maging sa TV.

2016 nang siya ay nasama sa movie “Vince & Kath & James”, then nasundan ng “Jose Bartolome: Guro,” “Haunted Forest,” “Hopeful Romantic” at “Walwal.” Nariyan din ang “Class of 2018” at ang advocacy film na “Field Trip”.

Aside sa mga tele­serye ng Kapuso Network, kamakailan ay napanood si Kelvin sa “Maynila.” Gumaganap din sa reenactment ng “Imbestigador.” Pati na rin sa “Dear Uge.” Nasa “Bubble Gang” din ang teen actor.

Abante Hiring – IT dep

Maraming blessing ang dumarating kay Kelvin. Very proud niyang ibinahagi na may TV series siyang gagawin na siya ang bida under Cignal Entertainment.

Tuwang-tuwa na ibinalita ng teen actor sa TnT ang bago niyang project. Aniya, “Garlic po ang title at under po sa production ni Ma’m Wilma Galvante.”

Yes, guest ng “Tambayan Ng Tsika Tonite” si Kelvin, isa sa talk show ng Abante Tonite na mapapanood sa aming website, Facebook page, Twitter at YouTube. Ang hosts ng “TnT Tonite” ay yours truly, Alwin Ignacio at Abante Tonite Editor Roldan F. Castro.

Maganda ang timbre ng boses ni Kelvin, pero aniya, mas naka-focus muna siya sa pag-arte.

Ipinagtanggol ang kapatid na may kapansanan

Nakuwento niya ang advocacy film na “Field Trip.” Tungkol daw ang movie sa pambu-bully kung saan in real life ay naranasan niyang ma-bully.

Ani Kelvin: “Naka-relate po ako kasi nabu-bully din po kami ng dalawa kong kapatid. May kapansanang pisikal po kasi ang sister ko. Pinagtatanggol ko po siya dahil tinutukso ng mga kaklase niya. Ayon po, nadadamay na ako sa pambu-bully nila sa kapatid ko.”

Pero natutunan ng teen actor, na kapag nabu-bully ay ma­ging matatag na lang at ‘wag na lang pansinin. “Para po sa akin, insecure sila sa sarili kaya nambu-bully sila ng mga tao.”

Guwapo si Kelvin kahit saang anggulo tingnan, pero inamin niyang wala pa sa isip ang tungkol sa love. “May family goals po kasi ako. Darating naman po ang love sa tamang panahon. Tutok po muna ako sa career.”
TnT Tonite: Nakipag-flirt na ba siya online?

Kelvin: Napagdaanan nu’ng high school (sabay ngiti). Bago po ako mag-gradweyt nu’ng 2015.

Kwento ng teen actor: “Casual lang po kaming nag-uusap. Minsan may bolahan. Pero wala naman pong pakitaan ng inner side. Eye to eye contact lang po… ganu’n.”

Sabi ni Alwin: Eh kung sa boobs? “Ibang mata po ‘yun (hagalpakan ng tawa),” sagot ni Kelvin.

Ayon sa millennial actor, ang type niya sa girls ay innocent eyes at prim and proper. “Conservative type po kasi ako, e.”

Game magmahal ng bading

TnT Tonite: Kaya ba niyang magmahal ng isang bading?

Kelvin: Siguro puwede po… kung pagmamahal po as family.

Sa female celebrities, iba-iba ang impression ni Kevin sa kanila.

Si Kathryn Bernardo, mabait daw na anak. Gusto niyang makatrabaho ang young actress. Kung may kissing scene, okey daw sa kanya basta ‘wag lang daw magagalit si Daniel Padilla.

Pauline Mendoza, mukha raw mataray, pero masarap kausap. Magaan daw ang loob niya sa kapwa-Kapuso artist. Si Pauline raw ang gusto niyang maka-loveteam.

Si Kyline Alcantara naman daw ay mukha ring mataray, pero mapagbiro. Maganda raw ngumiti na parang nakabubuhay ng dugo.

Gabbi Garcia naman daw ang kanyang showbiz friend dahil mabait at simple ang mukha.

Bago nagtapos ang “Tambayan ng Tsika Tonite” kay Kelvin, nilinaw niya na walang bad blood sa kanilang dalawa ni Akihiro Blanco.