Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelvin palaban sa gurang

0 75

NI: ROLDAN CASTRO

Gaya ng tema ng kanilang pagbibidahang bagong mini-series na ‘Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette,’ papayag nga ba sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda na makipagrelasyon sa malayo ang edad sa kanila?

Dahil isang May-December love affair ang tema ng kanilang serye, bukas nga ba o nagkaroon na ba ng karanasan sina Beauty at Kelvin na makipagrelasyon sa labas ng kanilang age bracket?

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ani Kelvin, game raw siyang makipagrelasyon sa mas matanda sa kanya, “Actually in real life, mas gusto ko talaga ‘yung older than me. Mas prefer ko lang ‘yung mas may edad lang talaga sa akin, siguro kahit mga five years or six years.”

Samantala, si Beauty naman ay may experience na maligawan ng mas bata sa kanya. “I had an experience also na may nanligaw sa akin na bata but natatawa ako. Never ko pang na-try na nagkaroon ako ng relationship with a young man but I had a few suitors na bata sa akin. Nagugulat na lang ako kasi parang anong nakita nila sa akin?”

Mapapanood na ang kwento nina Bridgette at Marcus sa ‘Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette’ simula ngayong Lunes, September 13, 3:25PM, sa GMA Afternoon Prime.

Leave A Reply

Your email address will not be published.