Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kelvin umamin na kay Mikee

0 259

NI: ROLDAN CASTRO

Tuluyan na ngang na-fall ang lahat nang sinabi ni Chef Harvey (Kelvin Miranda) kay Apple (Mikee Quintos) ang mga salitang “Gusto kita” sa GTV romance-fantasy series na The Lost Recipe.

Sino kaya ang pakikinggan ng puso ni Apple? Ano kaya ang sigaw ng mga manonood? Team Harvey o Team Frank (Paul Salas)?

SM food to go Banner Ad

Samantala, talaga rin namang naipakikita ng The Lost Recipe ang ganda ng Maynila. May ilang viewers pa na nag-reminisce ng kilig scenes ng paborito nilang love team na #MiKel.

Ayon sa mga social media post, bukod sa kuwento nina Chef Harvey at Apple, nakaabang din sila sa mga taping location ng serye lalo na kung saan ginanap ang iconic scenes nila.

Ilan sa mga ito ay binisita na ng mga fan para ipakita ang kanilang suporta sa programa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.