Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kemikal tumagas sa ice plant, 66 bagsak

0 236

Isang 44-anyos na lalaki ang namatay habang 65 pa ang dinala sa ospital sa naganap na ammonia leak sa isang planta ng yelo sa Navotas nitong Miyerkoles.

Agad namang pina-evacuate ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga residente malapit sa isang malaking ice plant matapos magkaroon ng chemical leak sa T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage na nakasasama sa kalusugan.

Sa panayam sa radyo kay Mayor Toby Tiangco, empleyado raw ng ice plant ang pumanaw.

Dagdag niya, kontrolado na ang sitwasyon bandang alas-6:55 ng hapon, batay sa report ng mga city official.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Konti na lang ang amoy, maghintay na lang,” ani Tiangco.

Kasabay nito ang pag-iingat pa rin sa pagdaan sa North Bay Boulevard at R-10 Road.

“Please avoid North Blvd. and R-10, may ammonia leak from T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage,” ayon sa post ni Tiangco.

Nabatid na ang ammonia leak na ginagamit sa cold storage facility ay nakasasama sa katawan dahil ito liquid ammonia na gamit naman bilang coolant sa paggawa ng tube ice. (Vick Aquino/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.