Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ken hinagis sa kama si Rita

0 116

Sa trailer pa lang ng new GMA-7 drama series na Ang Dalawang Ikaw ay umaatikabo na ang love scenes ng mga bidang sina Ken Chan at Rita Daniela.

Pangatlong pagsasama na ng RitKen ang nasabing serye pero aminado sila pareho na ito na raw ang pinakamaraming intimate scenes bilang mag-asawa ang kanilang role rito.

“Kumapit kayo nang maige sa kinauupuan ninyo dahil hindi n’yo kakayanin,” pagbibiro ni Rita sa virtual presscon held last Thursday.

“First time ‘to na makikita ng fans namin. Kasi from My Special Tatay, hindi naman siya ‘yung todong-todo talaga,” aniya.

Lalo naman daw sa huli nilang rom-com serye na One of The Baes dahil sweet girl daw siya ru’n.

“’Etong Ang Dalawang Ikaw, very mature sila kasi nga mag-asawa sila. Actually, na-excite kami. Hindi kami kinabahan ni Ken na gumawa ng love scenes or intimate scenes together. Mas na-excite kami kasi actually, hinihintay namin ‘tong panahon na ‘to,” sey ni Rita sabay-tawa.

Wala raw silang awkwardness at hindi raw sila nagkahiyaan nang gawin ang mga maseselang eksena na pinatunayan din naman ng kanilang direktor na si Jorron Monroy. Ayon kay direk, sobrang kumportable ng RitKen sa isa’t isa at nakatulong daw marahil nga ‘yung marami na silang pinagsamahang proyekto.

Ibinahagi rin ni Ken na before doing the love scenes ay may pag-uusap munang nagaganap sa kanila ni Rita at ni direk Jorron.

SM food to go Banner Ad

“Para siyang sayaw, may choreography. Kino-choreograph naming tatlo. Sasabihin namin, “direk, pwede ba naming gawin ‘to?” o ‘Rita, tataas ko ‘yung paa mo rito, ihahagis kita sa kama, itataas ko ‘yung kamay mo.’ Ganu’n,” sey ni Ken.

“Gusto po nating ipakita sa mga tao ‘yung makatotohanan. Paano ba mag-make love ‘yung mag-asawa? Gusto naming ipakita ‘yung mahal na mahal namin ‘yung isa’t isa rito sa mga eksenang ginagawa namin at nakatulong ‘yung pagpaplano sa mga eksenang gagawin namin,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, dahil nga sa kapansin-pansin na pahusay nang pahusay si Ken sa bawat proyektong ibinibigay sa kanya, sinasabing siya na raw ang next Dennis Trillo. Ano ang reaksyon ng aktor tungkol dito?

“Wow! Siyempre, nakakataba po ng puso. Isa po sa mga iniidolo ko si kuya Dennis, dahil isa po sa mga unang ginawang teleseye ko, siya po ‘yung kasama ko, ‘yung sa Biritera po at nakita ko po kung gaano kahusay si Kuya Dennis doon.

“Hindi pa nga po ako artista, idol ko na po si Kuya Dennis dahil sa mga ginawa niyang roles dati. Nag-play na rin po siya ng isang transgender, nag-play na rin po siya ng merong mental health problem, at isa rin po siya sa mga iniidolo ng mga artista at isa na po ako ro’n. At masabihan po na maihalintulad ako sa kanya, isang napakalaking karangalan po nu’n.

“Kung ‘yun po ang tingin ng mga tao, pero para sa akin, parang ang layo pa, sobrang layo pa po. Pero gagamitin ko po ‘yun, panghahawakan ko po ‘yun para mas galingan ko pa po,” sey ni Ken.

Magsisimula ang Ang Dalawang Ikaw ngayong Lunes, June 21 sa GMA Afternoon Prime.

Leave A Reply

Your email address will not be published.