Abante Tonite Interactive

Ken kinabahan kay Sylvia, nag-self quarantine

625

NI: VINIA VIVAR

Sa interview ni Nelson Canlas ng 24 Oras kay Ken Chan, ipinahayag ng aktor na naka-self quarantine siya ngayon matapos magpositibo sa COVID-19 ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Nagkasama raw sila ni Ibyang (tawag kay Sylvia) sa isang proyekto sa Davao nito lang nakaraang Marso. (OA siya March 6 pa sila magkasama ni Ibyang.Lampas sa 14 days-ED). At pag-amin ng aktor, nakakaranas siya ng ilang sintomas. Habang iniinterbyu nga siya ay napaubo pa siya.

Kasi ako po, ngayon nakakaranas ako ng dry cough. Tapos may mga fatigue din po ako na nararamdaman ngayon, pero hindi naman po ako nilalagnat.

“Pero siyempre kinakabahan po ako. Sabi po sa ‘kin ng magulang ko, ‘wag daw po muna ako lalabas ng kuwarto ko, dito raw po muna ako sa loob ng bahay, siyempre, hindi po ako pwedeng lumabas ng bahay,” sabi ni Ken.

Kaya nga inoobserbahan daw niya ang sarili ngayon although inahahanda na rin niya ang kanyang sarili kung sakali.

“Inoobserbahan ko po talaga kung ano po ‘yung mangyayari sa akin, sa mga katawan ko. Hindi pa po ako sigurado kung ano ba talaga ‘yung nangyayari sa akin pero kung anuma’t anuman po ang mangyari, ready naman na po kami. Nakapagplano naman po kami kung ano man po ‘yung gagawin namin,” sey ni Ken.

Ikinalungkot din ng aktor ang balitang nagpositibo nga sa virus sina Ibyang and Art.

“Tinext ko po ‘yung daughter nila na si Ria Atayde na kaibigan ko rin po and sabi naman po nila, mabuti naman po sila. Sila po, walang silang. . . ‘di sila naapektuhan, ‘yung mga anak po nila, hindi naapektuhan ng COVID-19, at ngayon po, patuloy silang nagpapagaling,” he said.

Tonite – Wendys Inhouse Ad