Abante Tonite Interactive

Ken, Rita kinabog si Maja

823

Mananalig na ba tayo na ang “The Killer Bride” na pinagbibidahan ni Maja Salvador, spaghetting pababa na nga ba ang ratings?

Maglulundag ba tayo sa tuwa na ang spaghetting pataas naman daw, eh ang “One of the Baes” nina Ken Chan at Rita Daniela naman ang mga lead?

Ang diva that you love, magdadabog ang bangs ‘pag ang ratings ay mismong galing sa provider ng Kapamilya network.

Maniniwala lang ako kung ang nangyaring kabugan ay galing mismo sa datos ng research agency na pinaniniwalaan ng Dos.

Paulo wagi sa puso ni Jane

Ang diva that you love, natuwa sa panayam ni Jane de Leon sa “Tonight with Boy Abunda. Bakit kaniyo? Maliban kasi sa ang ganda-ganda niya at siya ang bagong Darna, gusto ko ang kanyang pagiging prangka.

Sa akusasyon na siya ay “maldita”, pinasinungalingan ito ni Jane. Palaban lang daw siya lalo na ‘pag siya ay nasa tama. Lagi lang misinterpreted na suplada siya.

Sa nagsasabing pulos “ganda” lang ang meron siya at hindi siya marunong umarte, mas lalong naging palaban ang dalaga. Sa kanyang mga basher at hater, “watch out” ang kanyang tanging tugon.

Bongga ang kanyang reaksyon hindi ba naman. Hindi pa-sweet. Hindi rin kayabangan. Swabeng-swabeng lamang. Ang dating talaga, pakiabangan ang kanyang mga puwedeng ipakita at ipamalas.

Hindi nga naman walk in the park ang maging millennial Darna. Ang kuwento ni Narda/Darna, kasama na sa pop culture at talagang mapa-telebisyon o pelikula, lagi itong sinubaybayan, pinapanood, tinatangkilik, yinayakap at minamahal.

Lahat raw ng mga naging Darna, walang tulak kabigin si De Leon. At sa mga artistang lalaki, parang may paghanga siya kay Paulo Avelino.

Makakaasa ba tayo na dahil nga Jerrold Tarog directed movie, may chance na makasama si Avelino sa cast na bida sa “Goyo: Ang Batang Heneral” ni Tarog?

Kaya Jane de Leon, mabuhay ka! Ang diva that you love, at ang lahat ng mga sumusubaybay sa kuwento ni Darna, makakaasa kang we will all watch out kung ano ang mga pasabog, payanig at galing na ipapakita at ipaparamdam mo sa amin ‘pag naisubo na ang mahiwagang bato.

Sure naman tayong lahat na walang tokhang to follow ‘pag nilunok na ni Jane de Leon ang makapangyarihang bato, huh!