Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ken, Rita umamin na tinamaan ng Covid

0 186

Tinamaan din pala ng COVID-19 virus ang magka-loveteam at bida ng bagong seryeng Ang Dalawang Ikaw na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Inamin ito ng RitKen sa All Out Sunday sa pamamagitan ng isang video message para sa tribute nila sa mga COVID-19 patients, survivors and frontliners.

Ayon kay Ken, ito na raw ang pinakamabigat na naranasan niya sa buong buhay niya dahil hindi lang siya ang tinamaan ng virus kungdi buong pamilya niya.

“Kailangan mo talagang seryosohin sa lahat ng oras ‘yung proteksyon sa sarili. Sandali lang na makalimot ka, hindi lang ikaw ‘yung puwedeng magkasakit.

“Ito na siguro ‘yung pinakamabigat na naranasan ko sa buong buhay ko dahil hindi lamang po ako ‘yung tinamaan at nagkaroon ng virus, ‘yung buong pamilya ko po. Lahat kami sa bahay nagkaroon ng COVID,” pagbabahagi ni Ken.

“Wala kang choice kung hindi harapin ito ng buong tapang. Kailangan magpakatatag, dahil kapag sumuko ka parang sinuko mo na rin ‘yung chance na gumaling ‘yung mga mahal mo sa buhay,” dagdag ng aktor.

Kaya naman idiniin niya ang kahalagahan ng pag-iingat at ito raw ang aral din na kanilang natutunan.

“Sa kabila ng mga nangyari nagsilbi itong aral sa’ming lahat na ‘yung pag-iingat, kahit gaano siya kahirap kailangan mong pagtuunan ng pansin para hindi na maulit,” sey niya.

Pagbabahagi naman ni Rita, natakot daw siya siyempre nang magka-COVID siya.

“Of course, natakot ako. ‘Di ba, when you watch the news, you see numbers. Then it becomes the people that you know. And then one day, sasabihin na ikaw, meron ka na rin,” aniya.

Sa kabila raw ng pag-iingat niya ay dinapuan pa rin siya ng virus.

“Mahirap siyang tanggapin. Kasi, ginagawa mo lahat, eh. To take care of yourself, the people that you love, your family, friends, pero hindi, eh. Dinapuan ka pa rin. Nagkaro’n ka pa rin.

“So, it’s really out there. COVID is real,” saad ni Rita.

During those times, kay God lang daw siya kumapit at nagdasal nang taimtim.

“Si God lang talaga puwede mong kapitan eh. Siya lang talaga. Of course, I prayed hard, I prayed really, really hard for myself and for my family.

“Every morning I was given a chance to thank Him for all the things He has blessed,” ani Rita.

Bukod sa Ritken ay nagbigay din ng video message ang iba pang Kapuso stars na tinamaan ng virus tulad nina Michael V., Boobay and Rhian Ramos.

Tito nag-iisang kursunada ni Ping

Tiyak na mararamdaman na naman ang laking kawalan ng ABS-CBN kapag nagsimula na ang kampanya sa 2022 elections. Dahil sa laki ng lawak ng nararating ng network, magiging mahirap para sa mga kandidato ang mangampanya without the help of the station.

Ito ang sinabi ni Karen Davila sa ANC Headstart na sinang-ayunan naman ng guest niyang si Sen. Panfilo Lacson.

“Sabihin na nating napilay ang media sa pagkawala ng ABS-CBN. That’s a fact. I can explain, if anybody for that matter will question that statement, I can defend it very appropriately,” pahayag ni Sen. Ping.

Bagama’t maingay na maingay ngayon ang napipintong tambalan nina Sen. Ping and Senate President Tito Sotto sa darating na eleksyon, ayon sa una ay wala pa siyang definite decision kung tatakbo ba siyang Presidente.

Pero sa isang panayam sa Zoom ay nagpahayag na rin si Sen. Ping na kung sakaling tatakbo siya as President, wala siyang ibang gustong maging running mate kungdi si Tito Sen.

“Cast in stone ‘yun, in case na mag-decide, walang iba kundi si Senate President (ang VP ko). Usapan na namin ‘yun,” pahayag ni Sen. Ping.

Nauna nang nagbigay ng pahayag si Tito Sen sa guesting niya sa ANC Headstart ni Karen na kung tatakbo siyang Vice President ay si Sen. Lacson naman ang gusto niyang maging running mate.

Leave A Reply

Your email address will not be published.