Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kendo ‘Pinas sasapi sa FIK

0 141

Inihayag ni United Kendo Federation of the Philippines (UKFP) president-chairman Kristopher Inting, na nag-apply na ang bansa upang maging miyembro ng International Kendo Federation (FIK).

Nakabase sa Tokyo, Japan, ang FIK ang nagpapalawak at nagpapakilala sa kendo kasama ang Iaido, at jodo. Sila rin ang nagdaraos ng World Kendo Championships kada tatlong taon sapul na mabuo noong 1970 na 60 bansa nilang kasapi.

Dahil sa pagkakasali, makakapagsagawa at makakapagturo na ang UKFP ng official dan shinsa (rank examination) sa bansa, manguna sa pagkuha ng national athletes para sa mga international tournaments, at pasiglahin ang sport sa bansa.

“For lower rank levels, there is no more need to go abroad. This makes it easier for local kendoka to get their dan-grades as this used to be expensive due to the cost of travel and higher cost of testing abroad. It is our hope that by staging this locally, we can make it more affordable for people to take the exams,” ani Inting nitong Linggo. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.