Abante Tonite Interactive

Kendrick, Nationals sinibak ang Dodgers

0 165

Nag-deliver si Howie Kendrick ng tiebreaking grand slam sa 10th inning at sinilat ng Washington Nationals ang liyamadong Los Angeles Dodgers 7-3 Miyerkoles nang gabi sa Game 5 para umabante sa NL (National League) Championship Series.

Sa Biyernes (Sabado sa Manila) ang umpisa ng best-of-seven sa St. Louis.

“I was hoping for any moment,” ani Kendrick, ang 36-anyos na veteran na hitless sa una niyang apat na at-bats.

Sa unang pagkakataon, nanalo ng playoff series ang wildcard Nats sapul nang lumipat ang team sa Washington bago ang 2005 season.

Naka-homer sa magkasunod na pitches sina Anthony Rendon at Juan Soto para burahin ang 3-1 deficit sa eighth laban kay Clayton Kershaw. Si Soto rin ang nagsindi ng comeback mula 3-0 hole nang kumonekta ang single sa sixth mula sa bato ni starter Walker Buehler. Pagkatapos nu’n ay pinalipad ang 449-foot drive sa right field mula kay Kershaw.

Libre sa walk si Adam Eaton kontra kay Joe Kelly sa bukana ng 10th, naka-double si Rendon at binigyan ng intentional walk si Soto.

Foul ball ang unang palo ni Kendrick, bago nasapul ang 97 mph fastball paalpas sa wall sa gitna tungo sa kanyang second career slam. Hinabol ni Cody Bellinger ang bola hanggang sa wall, sinubukan pang isahod ang glove sa fence pero naubusan na ng espasyo. (VE)