Abante Tonite Interactive

Kenken etsapuwera ng barangay

671

NI: RODEL FERNANDO

Nagsumbong ang child star na si Kenken Nuyad sa kanyang mga kaibigang press.

Sa kasagsagan kasi ngayong ipinapatupad na quarantine sa buong bansa ay marami nawalan ng hanapbuhay lalo na sa mga taga-showbiz. Isa na nga rito si Kenken na nakilala sa mga indie film at sa programang FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa lugar kasi ng batang aktor sa may Rodriguez Rizal ay may mga ipinamamahaging relief goods pero pinagkakaitan ang pamilya ni Kenken.

Sumbong niya, “Alam mo po tto sabi ng taga brgy kay mama na ang priority daw nila ang walang wala kasi daw po artista daw po ako. Pag may sobra saka kami bibigyan.”

Saad pa niya, “Kaya nga po sinabihan nga po ni mama bat po ganun sila may pinipili po.”

Dapat malaman ng mga nasa likod ng relief operation na ito na kahit nag-aartista si Kenken ay hindi pa rin ganoon kalaki ang kanyang kinikita. Kinakapos din ang pamilya niya lalo na kapag wala siyang project at may sakit ang papa niya. Hindi maganda ang may pinipili. Dapat maging patas.