Abante Tonite Interactive

Kenneth Duremdes: MPBL commissioner

By
0 388

Abante Hiring – IT dep
Mapalad ako kasi nagkuwentuhan kami ni Kenneth Duremdes, ang mabuting Commissioner ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MBBL).  Napag-usapan namin ang mga nangyayari sa MPBL at ang mga plano nito sa mga susunod na taon.
Noong ako ang na­ging commissioner ng Philippine Basketball League (PBL), isa sa mga sikat na manlalaro ng PBL si Kenneth.
Una kong nasaksihan ang galing ni Kenneth sa laro ng basketball noong grade 5 siya sa elementary noong nag-umpisa maglaro sa Marbel, Cotabato.
At noong nasa high school na siya, mara­ming nakapuna ng laro niya sa Cotabato.
Nag-enroll siya at dito nakita ang galing ni Kenneth sa basketball sa ilalim ng sikat na coach na si Boy Ascue. Dahil isa sa mga magagaling na player sa kolehiyo, kinuha si Kenneth ng Burger Machine, at biglang lumakas ang koponan, at naging kampeon ang Burger Machine sa PBL.
Si Kenneth ay pinarangalan na Best Pla­yer of the Conference.  Naalala ko noong nasa PBL ako, punong-puno ang Cuneta Astodome, noong championship game ng Duremdes-led Burger Machine at Marlou Aquino-led Otto Shoes.
Pagkatapos ng ilang taon sa PBL, nagpa-draft na si Kenneth sa PBA at siya ay pinili ng Sunkist Orange Juicers Team na third overall noong PBA Draft 1995.  Sa Sunkist hindi siya masyadong nabigyan ng playing time.
Ito’y dahil nasa sa koponan ang magaga­ling na player na sina Vergel Meneses at Nelson Asaytono.  Na-trade si Kenneth sa Alaska at dito umalagwa ang karera ni Kenneth.  Maraming awards ang natanggap at naging MVP siya ng PBA noong 1998 sa edad na 24.
Noong 2000, siya ay pinarangalan na youn­gest player sa PBA’s 25 Greatest players. Sa PBA, binansagan siyang Captain Marbel.
Tinanong ko si Kenneth kung ano na ang mga nangyari sa MPBL, ang liga ng basketball na inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.
Umiimbulog ang liga dahil dumami sa 32 ang sumali sa MPBL at anim na koponan pa ang sasali sa next season ng liga.
Matatapos ang season ngayong darating ng Marso. Ngunit bago matapos, magkakaroon ng All Star Game, yung mga player na taga-Norte at mga player na taga-Visayas Mindanao.
Sinabi niya sa akin na ang format nila ay katulad ng PBL noong araw at ‘yung Metroball kung saan nagkaron ng mga koponan sa iba’t ibang siyudad at probinsya.
Maganda ang takbo ng liga ngayon na aabot pala ng 10 buwan nga­yong season at ma­dami na ang fans na nakakapanood ng mga laro, na pinapalabas ng ABS CBN–S &A.
 Kaya siguro kinakatok sila ng Games and Amusement Board at ipinipilit na ang MPBL ay isang professional league katulad ng PBA.
Ngunit ang sabi ni Commissioner Kenneth, ang MPBL ay isang amateur league katulad ng PBL noong araw.
Ito ay nagbibigay ng konting problema para kay Kenneth sa mga araw na ito. Good luck Commissioner Kenneth Duremdes sa pagbulusok ng MPBL.