Abante Tonite Interactive

Kennon Road bubuksan kasabay ng PMA homecoming, Panagbenga

310

Pansamantalang bubuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista ang Kennon Road sa Baguio City simula Pebrero 14 hanggang Pebrero 18, 2019 at sa Pebrero 22 hanggang Marso 4, 2019.

Sa advisory ng kagawaran, papayagang dumaan dito ang mga magagaan na mga sasakyan na pupunta sa lungsod para sa mga dadalo sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming at sa Panagbenga Festival.

Ito ay naglalayong mabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa Marcos Highway na inaasahang dadagsa sa magkasunod na araw na malalaking okasyon.

Ang mga paalis naman ng Baguio City ay maaaring dumaan sa Marcos Highway, Naguilian Road o sa Asin-Nangalisan-San Pascual-Tubao Road, ayon sa DPWH.