Abante Tonite Interactive

Kennon Road sarado pa rin sa publiko

249

Sa kabila ng kahilingang buksan ito, nanindigan ang Office of Civil Defence-Cordillera (OCD-Cor) na mananatiling sarado para sa publiko ang Kennon Road dahil sa umano’y patuloy na landslide o rockslide sa lugar.

Ani Albert Mogol, director ng OCD-Cor at chairman ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC).

Ayon kay Mogol, nagkaroon ng pagpupulong noong Miyerkoles at marami ang humihingi na buksan ang Kennon Road para sa mga motorista na uuwi para sa eleksiyon.

Gayunman, nanatili ang desisyon na isara ang nasabing kalsada para sa kasiguruhan ng kaligtasan ng mga motorista. (Allan Bergonia)