Abante Tonite Interactive

Keri na ‘di magpatayan: ABS-CBN, GMA nagtulungan sa KathDen

472

Star Cinema move mountains para lamang mabuo at maging posible ang unang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Ri-chards. Ito’y sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na idinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star C­inema.

Inamin ng mga taga-Star Cinema na mahabang proseso ang naganap para lamang maisakatuparan ang isa sa maituturing na imposibleng mangyari, ang pagsasama ng KathDen.

At the press launch ng pelikula, talagang dinumog ito hindi lamang ng mga media people kundi maging ng respective fans ng dalawang lead star at kung saan namataan namin ang news team ng ABS-CBN at mga taga-GMA.

Isang magandang indikasyon na hindi naman kinakailangang ‘magpatayan’ ang dalawang major TV networks, bagkus ay puwede pala silang magtulu-ngan.

Sino ang mag-aakala na ang prinsesa ng Kapamilya Network na si Kathryn ay ipapareha sa prinsipe ng Kapuso Network? Such a brilliant idea na walang makakaisip na posible palang mangyari.

Dito rin masusubukan kung kayang pantayan o lagpasan ng KathDen ang record na naitala sa takilya ng Kath-Niel sa pelikulang “The Hows of Us”.
Ang “Hello, Love, Goodbye” ay huhusgahan na sa takilya nationwide simula sa July 31 .

Albert 4 na taon biyudo

Last March 14 ay apat na taon nang biyudo ang actor na si Albert Martinez.
Yumao ang asawa niyang si Liezl Sumilang-Martinez noong March 14, 2015. Naiwan sa kanya ang kanilang tatlong anak na sina Alyanna, Alfonso at Alissa. Pero hanggang ngayon ay tila wala pa rin sa plano ng aktor na mu-ling magkaroon ng bagong karelasyon and eventually mag-asawang muli.

Although may asawa’t anak na ang kanyang panganay na si Alyanna na naka-base sa California, USA, engaged to be married na rin ang kanyang bunsong anak na si Alissa sa non-showbiz fiancé nitong si Paulus Reyes.

Ang matitira na lamang na kanyang kasama ay ang kaisa-isa niyang anak na lalake, si Alfonso.

Nang magkaroon ng libreng oras si Albert ay dinalaw niya ang kanyang unang apo na si Adalyn. Ito’y anak ng mag-asawang Alyanna at Roy Macan sa Amerika.

Julie Anne ‘di nagmamadaling palitan si Benjamin

Mukhang nakahanap agad ng kapalit ni Julie Anne San Jose si Benjamin Alves. Ito’y sa katauhan ng commercial model na si Chelsea Robato.

Sina Julie Anne at Benjamin ay naghiwalay nu’ng November 2018.

Last birthday celebration ni Chelsea, si Benjamin ang kasama niya with their close friends. Ginanap ito sa isang resto-bar sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Although loveless pa rin hanggang ngayon si Julie Anne, mas nakatuon ang attention nito sa kanyang singing and acting career. Hindi siya nagmamadaling magka-boyfriend ulit. After all, 25 pa lamang naman siya.